Advertisers
SINABI ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, wala pang oras ang House of Representatives para aksyunan sakaling opisyal ng tanggapin ng Kamara ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Tugon ito ni Romualdez sa panayam ukol sa tangkang paghahain ng reklamong impeachment laban kay PBBM nina dating National Youth Commission chairperson Ronald Cardema at dating Congresswoman Marie Cardema ng Calamba City.
Ayon kay Romualdez, naka-break ang session ng Kongreso at nasa seminar naman si House Secretary General Reginald Velasco na tanging pwedeng tumanggap ng impeachment complaint.
Sa kabila nito ay sinabi ni Romualdez, na hayaan lang ang mga nais maghain ng impeachment complaint laban sa pangulo.
Ang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos ay hindi pa tinatanggap ng Kamara dahil wala si Secretary General Velasco kaya plano ng mag-asawang Cardema na bumalik sa Kamara sa Martes para ito ay muling ihain.