Kampo ni Mayor Lim suportado si Mayor Honey
Advertisers
NAGPAHAYAG ng kanilang suporta ang dalawa sa pinakamataas na opisyal ng namayapang Manila Mayor Alfredo S. Lim pati na rin ang kanyang paboritong apo sa kandidatura ng reelectionist na si Mayor Honey Lacuna.

SI Ric de Guzman na nagsilbing chief of staff at public information officer at closest confidante ng dating Mayor Lim, ay nagsabi na naniniwala siya sa integridad ni Lacuna at binanggit ang walang bahid dungis na service record nito. Sinabi pa na ang mga true-blue Lim supporters ay may ganitong uri din ng paniniwala.
Ganito rin halos ang sinabi ni dating City Administrator Jay Marzan. Ayon kay Marzan ang Maynila ay kailangan ng disente at matalinong alkalde na hindi magbabaon sa lungsod sa utang.
“Si Mayora, diretso sa tao ‘yung tulon. ‘Yung program niya, naka-focus para mas umasenso ang buhay ng bawat Manilenyo,” pahayag ni Marzan.
Sinabi naman ni De Guzman na isang bonafide resident ng Maynila, partikular sa Sampaloc na batid niya ang klase ng pamamahala na gaya ng isang residente na tulad niya ay mag-e-enjoy at ito ay ang pamamahalang tulad ni Lacuna.
Bilang isang senior citizen, sinabi ni De Guzman ipinakita ni Lacuna ang kanyang malasakit sa mga nakatatandang residente ng lungsod kung saan dinoble pa nito ang kanilang monthly allowance. Bumibisita rin ito ng personal sa mga may-sakit at mga bedridden at inaalam kung ano ang kalagayan ng mga ito at binibigyan ng tulong sa iba’t-ibang paraan.
Sinabi nito na bilang isang doktor, mahusay na pinangungunahan ni Lacuna ang lungsod dahil inuuna niya ang health care at ito rin ang dahilan kung bakit natugunan ng Maynila ang pandemya.
Sa ilalim ng pamamalakad ni Lacuna, sinabi ni De Guzman na maraning opisyal na nagsilbing noong panahon ni Lim ay ibinalik sa posisyon at nagsisilbing sa ilalim ng administrasyon ni Lacuna. Ito ay pagpapakita ng tiwala ni Lacuna sa mga department heads ni Lim.
Napuna rin ni De Guzman na maging si Councilor Nino dela Cruz, na apo ni Mayor Lim ay piniling manatili sa panig ni Lacuna dahil na rin sa sumusuporta ito sa alkalde.
Ayon kay Marzan na tubo at taal na taga-Sampaloc, nang magpasya ang kanyang kapatid na si Bong na isang barangay chairman na tumakbo bilang Konsehal ay napagpasyahan nila na tumakbo sa ilalim ng tiket ni Lacuna, na siyang pinakamahusay na kandidato pagdating sa karakter at liderato.
Kapwa sinabi nina De Guzman at Marzan na tulad din ni Lim, ang lady mayor ay napaka-ingat pagdating sa pondo ng lungsod kung saan. tinitiyak nito na hindi ito masasayang sa kahit na anong paraan.
SI Dela Cruz, na isang reelectionist bilang first district Councilor sa ilalim ng tiket ni Lacuna, ay nagsabi na :”Pinili ko po si Mayor Honey kasi mabuti po ang asal niya, malinis ang hangarin para tumulong. Tapat at totoo talaga siya.” (ANDI GARCIA)