Advertisers
NAKIKIISA ang Malacañang sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika matapos makapaghalal ng bagong Santo Papa, sa katauhan ni Pope Leo XIV.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, nakatakda aniyang maglabas ng pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay dito ngayong araw.
Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), 79% o 85.65 milyon ng populasyon sa bansa ay binubuo ng mga Katoliko kung kaya’t ang katolisismo ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas.
Kaya naman sabi ng Palasyo, masaya aniya sila na mayroon nang bagong lider ang Simbahan, lalo’t nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay isang bansang may matatag sa pananampalataya.