Advertisers

Advertisers

Malakanyang walang plano sampahan ng kaso si VP Sara sa pagpapakalat ng fake news vs FL Liza

0 6

Advertisers

HINDI magsasampa ng reklamo ang Malakanyang laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagpapakalat ng maling impormasyon laban kay First Lady Liza Marcos.

Ito’y sa kabila ng akusasyon ni VP Sara na sangkot ang first lady sa pagkamatay ng isang Pilipino, sa kanyang biyahe sa Amerika noong Marso.

Sinabi pa ni VP Sara, ginamit lamang ng gobyerno ang pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para pagtakpan ang umano’y kontrobersiya ng first lady.



Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala silang planong atasan ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), o Kongreso na imbestigahan ang motibo sa pahayag ng bise presidente.

Nauna nang tinawag na “fake news” ng Palasyo ang akusasyon ng pangalawang pangulo at iginiit na bago pa naaresto si Duterte ay nakauwi na ng bansa ang unang ginang.

Patunay din ang naging pulong ni First Lady Liza sa mga kawani ng Girl Scouts of the Philippines noong Marso 11 o araw na dinakip ng Interpol si Duterte. (Vanz Fernandez)