Advertisers

Advertisers

MAYOR AT CHAIRMAN, INALIS NA NG BAGONG JAIL WARDEN

0 3

Advertisers

Dahil sa kahilingang katahimikan at kapayapaan ng bagong OIC Bulacan Provincial Jail Warden, na si Ret.Col.Manuel M Lukban Jr., 11:10 ng umaga nitong Biyernes sad, buluntaryong isinuko ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Bulacan Jail ang mga bawal sa loob ng piitan.

Kabilang dito ang mga patalim, icepick, itak at marami pang iba, isinuko rin ang mga inmates ang kanilang mga cellphone gadgets, air-con, washing machine at mga bote ng pabango

At 58 maliliit na tangke ng LPG na mahigpit din na ipinagbabawal sa loob ng kulungan.



Kasunod nito binuo rin ni Jail Warder, Col. Lukban Jr. programang “Good Management Committee” sa pamamagitan ng mga Ama ng grupo nang Sputnik, Bahala na, Comando, Batang City at Maccopa.

Matapos tanggalin ang pagkakaroon ng Mayor at Chairman,maging Kooperatiba ng bilangguan ay inalis na rin na anila’y pinagmumulan ng kurapsyon.

Sa kabuoan nasa 1,338 ang mga nakakulong sa panlalawigang piitan ng bulacan kabilang na ang 168 PDLs na babae.

Tiniyak rin ng bagong Jail Warden, na magiging maayos na ang rancho o pamamahagi ng pagkain ng mga Inmates,dahil tinatakal na ito upang lahat ay magkaroon ng rasyon ng pagkain.

Katunayan ipinakita sa Media ang maputi na kanin at maayos na luto ng Munggo na may halong karne ng manok.



Samantala pangangasiwaan ng bawat ama ng pangkat ang lahat ng supply na sabon, tootpaste at iba pang pangangailangan ngga PDLs sa maliit na halaga lamang.

 

Ayon kay alyas Kevin Ama, ng nasa 800 miyembro ng Sputnik,naniniwala sya sa mga bagong polisiya, magiging maayos na ang mga pagpapatutupad sa loob ng kulungan

 

Kaugnay sa darating na halalan sa Lunes, mula sa 20 bayan at 4 na lungsod,

 

Ang syudad lamang ang Malolos ang magsasagawa ng election sa loob ng Bulacan Jail, kung saan nasa 104 na PDLs lamang ang qualified na makakaboto sa araw ng halalan.(Thony D. Arcenal)