MGA BOTANTE SA PASIG CITY HINIKAYAT NA SURIING MABUTI ANG KANILANG NAGING PAMUMUHAY SA NAKALIPAS NA ANIM NA TAON; PAGTUTOK SA BASIC NEEDS NG MGA RESIDENTE PRAYORIDAD NI DISCAYA
Advertisers
ILANG araw bago ang botohan sa Lunes, hinikayat ni Pasig mayoralty candidate Sarah Discaya ang mga botante na pag-aralang mabuti ang nagdaang anim na taon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at suriin kung bumuti ba o hindi ang kanilang pamumuhay.
Ayon kay Disacaya, hindi lamang “good governance” ang kailangan ng mga taga-Pasig kundi kailangang maibigay sa kanila ang serbisyo at suporta para mapabuti ang kanilang kondisyon.
Sinabi ni Discaya na bagaman Mabuti ang pagkakaroon ng good governance, hindi naman ito makapagbibigay ng economic support na krusyal para sa pagbuti at pagpapahusay ng pangkalahatan.
Ayon sa negosyanteng si Sarah, nais niyang maibigay ang totoong resulta sa mga taga-Pasig dahil bigo ang kasalukuyang administrasyon na makapagpatayo ng school buildings, ospital at pabahay sa nakalipas na anim na taon niya sa pwesto.
Pinakamahalagang kailangan aniya ng mga residente ng Pasig ang serbisyong kalusugan at disenteng matitirahan.
Naniniwala rin si Sarah na dapat bigyan ng espesyal na atensyon ang mga nasa most vulnerable na miyembro ng komunidad lalo na ang mga underprivileged na residente ng lungsod at dapat tiyaking nakararating sa kanila ang suporta ng LGU.
Sa nakalipas na anim na taon ayon kay Sarah, naobserbahan niyang walang naipatayong bagong ospital, paaralan at walang libreng medical treatment para sa mga mahihirap na mamamayan sa lungsod.
Nangako ang “Team Kaya This” na gagawing “smart city” ang Pasig City gamit ang makabagong teknolohiya para mas mapabuti ang pagbibigay ng social services sa mga mamamayan.
Sa ilalim ng priority programs ni Sarah, magpapatayo ito ng 11-storey university building, 7-storey high school building, at up-to-date elementary building.
Kasama rin sa kaniyang programa ang pagkakaroon ng contemporary 11-story hospital na may makabagong pasilidad na magbibigay ng libreng gamutan.