Advertisers
NASAWI ang isang ginang at 10-anyos na anak na babae at sugatan ang isa pang anak na 11-anyos na lalaki nang mauwi sa madugong pamamaril ng salarin na mismong padre de pamilya ang naging pagtatalo nila ng ka-live in sa South Ville 5A, Brgy. Langkiwa sa Lungsod ng Binan, Laguna nitong ng Huwebes, Mayo 8, 2025.
Kinilala ang mga nasawi na sina Joan Dimol, nasa hustong gulang, nanay; at Jenel Lavender, anak, 10-anyos na batang babae.
Sugatan na man ang anak na 11-anyos na batang lalaki, habang nagbaril sa sarili ang salarin matapos ang ginawang pamamaslang sa kanyang mag-ina na si alyas “Joel,” 40-anyos at nagtatrabaho bilang driver/bodyguard at pawang mga residente sa kaparehong lugar.
Ayon sa Binan Component City Police Station, 2:45 ng hapon ng marinig ng mga kapitbahay na nagtatalo ang mag-live in dahil sa matinding selos ng salarin na pinaghihinalaang may 3rd party ang kinakasama at makalipas ang ilan minuto umalingawngaw na ang sunod sunod na putok ng baril.
Mabilis naman ang naging pagtugon ng puliya at 3:00 ng hapon nang madiskubre ang mga dugoan at wala ng buhay na katawan nina Joan at ng anak nito na si Jenel Lavender.
Ginagamot ngayon sa Ospital ng Binan ang nasugatang anak na batang lalaki at isinailalim na rin autopsy examination ang mga labi ng tatlong nasawi habang patuloy ang pagkalap ng iba pang impormasyon upang matukoy ang buong detalye sa madugong insidente.(Koi Laura)