Advertisers
NAGDEKLARA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng Blue Alert status bilang paghahanda para sa May 12 National and Local elections.
Nangangahulugan ito na kalahati ng mga disaster officials ay naka-standby upang agad makaresponde sa anumang emergency.
Ang Office of Civil Defense (OCD) ay naglabas ng memorandum na nagtatakda ng Blue Alert status mula 8 a.m. ng May 09 hanggang 8 a.m. ng May 14 upang masigurong maayos ang koordinasyon sa mga ahensya sa panahon ng eleksyon.
Ang mga opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP) ay magbabantay sa NDRRMC Operations Center upang tumugon sa mga insidente at kahilingan mula sa regional disaster councils.
Bukod dito, binabantayan din ng PNP ang mga lugar na may mga naitalang karahasan kaugnay ng halalan.
Ang OCD ay nananawagan sa publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga otoridad upang matiyak ang isang mapayapa, ligtas, at maayos na eleksyon.