Advertisers

Advertisers

Panawagan sa Comelec: Nagkalat na ‘vote buying stations’ ipasara ARCOLETA NAKALADKAD SA ‘VOTE BUYING’ SA BULACAN

0 9

Advertisers

NAKALADKAD si senatorial candidate Rodante Marcoleta sa garapalang “hakot system” at panunuhol sa mga botante sa San Jose del Monte City, Bulacan ng isang tumatakbong vice mayor kungsaan kasama ang mga polyeto ni Marcoleta na ipinamumudmod ng kandidato na may kalakip na P300.

Naidokumento ang insidente ng panunuhol kasama ang polyeto ni Marcoleta nitong Huwebes sa compound ng isang punerarya sa Barangay Tungkong Mangga, Quirino Highway, na ginawang ‘vote buying station’ ng nasabing kandidato na kapartido ni Bulacan Governor Daniel Fernando sa National Unity Party (NUP).

Ang NUP at si Gov. Fernando ay nagpoposturang “kaalyado” ni Pang. Marcos Jr., habang si Marcoleta ay kandidatong senador ng PDP-Laban ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, na markadong “kaaway” ng administrasyon.



Hinimok naman si CSJDM Comelec Officer, Atty. Imelda Panis, at city police chief LtCol. Edilmar Alviar, na agarang kumilos hinggil sa pagkalat ng mga ‘Vote Buying Stations’ (VBS) sa buong lungsod kungsaan nagiging garapal na ang paghahakot sa mga botante at panunuhol sa kanila ilang araw nalang bago ang halalan.

Bukod sa nasabing punerarya, ilan pang lugar sa CSJDM ang natukoy na ginawang VBS ng ilang tiwaling kandidato bago paman pumasok ang buwan ng Mayo.

Kabilang sa mga natukoy ay isang eskuwelahan sa Bgy. Sto. Cristo, isang studio sa Bgy. Tungkong Mangga, Quirino Highway, isang resort sa Purok 3, Bgy. San Roque at isang lugar sa Grotto Towerville.

Ang kandidatong kaalyado ni Fernando at isang kandidatong konsehal sa unang distrito ang sinasabing nasa likod ng mga nasabing operasyon.

Tatlo ang kandidatong mayor sa CSJDM, lima ang kandidato bilang vice mayor at kabuuang 41 ang kandidato bilang konsehal sa dalawang distrito ng lungsod.