Advertisers

Advertisers

Pasigueño Tuloy ang Laban ko Atty. Ian Sia for Congressman!

0 8

Advertisers

NAIS ipanawagan ni Pasig City Congressional Aspirant Atty. Ian Sia sa mamamayan ng Pasig na tuloy ang kanyang pagtakbo sa darating na Mayo 12.

Sa isinagawang press conference, ipinaliwanag nito ang diumano’y violation ng Safe Spaces Act ang ginamit na dahilan ng Comelec sa desisyong i-disqualialify si Atty. Sia.

Ayon kay Sia wala itong natanggap na kopya ng petition kung kaya’t hindi ito nakapaghanda upang sumagot, kung saan ayon kay Sia hindi siya na-convict sa anumang violation hinggil sa Safe Spaces Act.



Ipinaliwanag rin ni Sia sa muling pagkakataon na hindi naging maganda ang reaksiyon ng ilang sa kanyang pagbibiro ngunit wala naman umano itong pinatay o hinalay kagaya ng ibang tumatakbo.

Pinaliwanag pa ni Sia na ayon sa ilang observers ang desisyong ito ay tila magiging dangerous precedent dahil sinasaklawan na nito ang malayang pagpili. “Sana ipaubaya na lang sa mga botante ang pagpili kung sino ang kanilang ihahalal.

“Only Congress can amend our election laws. If it is intended that violation of the Safe Spaces Act be ground to disqualify a candidate, it could have included such provision in the said law” pahayag ni Atty. Sia.

Sa huli nanawagan si Sia sa Pasigueño partikular sa kanyang mga supporters na huwag malungkot dahil tuloy at walang makakapigil pa sa kanyang pagtakbo bilang Congressman sa Lungsod ng Pasig.