Advertisers

Advertisers

PNP, pinawi ang pangamba ng publiko sa pagboto sa eleksyon

0 2

Advertisers

NANAWAGAN ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag matakot sa pagboto sa nalalapit na halalan sa Lunes, May 12.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, makakaasa ang mga botante na makakapunta at makakabalik sila ng ligtas sa kanilang mga tahanan pagkatapos bumoto.

Sinabi ni Marbil na bibigyan ng Pambansang Pulisya ng proteksyon ang bawat botante.



Hinihimok din nito ang mamamayan na agad i-report ang anumang problema o kaguluhan sa halalan kung saan bukas ang 9-1-1 hotline 24 oras at agad itong tutugunan ng PNP.

Una nang sinabi ng Pambansang pulisya na wala silang seryosong banta na namo-monitor sa nalalapit na midterm elections pero hindi pa rin sila magpapakampante kaya’t idineploy ang mahigit sa 163,000 mga pulis para bantayan ang mga polling precinct, mahahalagang pasilidad, at iba pang lugar na may kaugnayan sa eleksyon.