Advertisers

Advertisers

Angkasangga nagsagawa ng grand motorcade, ‘inihatid’ si Royeca sa Kongreso

0 3

Advertisers

BILANG pagpapakita ng puwersa bago ang halalan, libu-libong motorcycle riders ang lumabas sa mga kalsada ngayong Sabado para sa Angkasangga Grand Motorcade at nagsagawa ng simbolikong paghatid kay George Royeca, First Nominee ng Angkasangga Partylist (#107 sa balota), sa harap ng Kongreso.

Nagsimula ang convoy sa Lungsod ng Pasay at tumawid sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, na sinamahan din ng ibang biker, delivery rider, tricycle drivers at transport advocates.

Dumaan ang motorcade sa Batasan Hills, kung saan isinagawa ang isang simbolikong “paghahatid” sa kay Royeca sa harap ng Kongreso — isang paglalarawan kung paano siya inihatid ng riding community sa institusyon na nais niyang paglingkuran.



Bilang pagpapakita ng pambansang pagkakaisa, nagsagawa rin ng kani-kanilang motorcade ang mga rider sa Cebu at Batangas, kasabay ng panawagan para sa representasyon at pagkakaisa sa buong bansa.

“It was a simple gesture, but deeply meaningful,” wika ni Royeca. “The riders brought me to Congress not just physically, but symbolically. This campaign has always been about them, and this moment reflected that.”

Nagtapos ang aktibidad sa Pop Up sa Katipunan, Lungsod Quezon, kung saan nagtipon ang mga tagasuporta at volunteer para sa isang maikling programa kung saan ibinahagi ni Royeca ang kanyang mga plataporma’t programa.

“Today, you didn’t just ride with me—you brought our entire community one step closer to real representation. For years, we’ve moved the nation without protection, without recognition. But now, we’re done being left behind. This isn’t the end of the ride—it’s just the beginning. And together, we’re taking our place in Congress,” ani Royeca.

Itinatag ang Angkasangga mula sa mismong riding community, na nag-ugat sa matagumpay na plataporma ng Angkas na nakatulong sa libo-libong riders sa pamamagitan ng safety training, benepisyo mula sa pamahalaan, at financial inclusion.



Ngayon, layon ng partylist na palawakin ito sa pambansang antas kung saan palalawakin ang proteksyon at oportunidad para sa milyun-milyong Pilipinong umaasa sa motorsiklo para sa kanilang kabuhayan, gaya ng food delivery riders, tricycle drivers, at informal transport workers.

Nakaangkla ang kampanya ng Angkasangga sa tatlong mahalagang adbokasiya: ang
ang pagpasa ng Motorcycle Taxi Law, ang pagbubuo ng Magna Carta for TODA upang maibigay na ang matagal nang benepisyong nararapat sa mga tricycle drivers, at ang panukala na ihiwalay ang mga food at parcel delivery riders mula sa kasalukuyang Motorcycle Taxi for Hire Act na hindi na angkop sa realidad ng kanilang trabaho.

“We’ve proven that a well-run, rider-focused system works,” Royeca said. “Now it’s time to take that to Congress, and build policies that recognize the realities of our work, and the value we bring to the economy every day,” wika ni Royeca.

Sa pagtatapos ng huling araw ng kampanya, tinapos ng Angkasangga ang kanilang kampanya kung paano ito nagsimula: sa kalsada, kasama ang komunidad na siyang naging dahilan kung bakit ito naging posible.