Advertisers
WALANG patid ang pagbulusok ng rating at puwesto ni Senadora Imee Marcos sa mga survey ng Pulse Asia, patunay na hindi nakatulong ang kanyang pagbalimbing mula sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungo kay Vice President Sara Duterte.
Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, wala sa Magic 12 si Imee, na tabla lang sa 14th-18th na may rating na 24.7 percent. Mababa ito kumpara sa kanyang nakuhang 27.6 percent noong Marso, kung saan nasa 13th-18th pa siya sa survey ng Pulse Asia.
Ang mga numero ni Imee ay malayo sa kanyang 30.9 rating noong Pebrero, kung saan siya’y nasa 13th place din.
Magugunitang nilangaw pa ang motorcade ni Imee, na nag-viral pa dahil wala man lang tao na nag-abang sa kanyang pagdaan.
“Motorcade ni Imee Marcos, nilangaw. Walang katao-tao. Pansinin niyo naman si Imee guys,” komento ng isang vlogger na si Kugman Reaction Vlog nang i-share nito ang viral video.