Advertisers
Sa huling araw nang pangangampanya nagsagawa ng motorcade ang tumatakbong kandidato sa pagka-bise Alkalde ng Maynila na si Pablo ‘Chikee’ Ocampo #4 sa balota, kasama ang #97 ‘Ang Tinig ng Senior Partylist’.
Inikot nila ang anim na distrito ng Maynila, upang magbigay pugay sa mga Manilenyo at muling naninikluhod
na suportahan sila sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025.
si Ocampo ang manok ng Partido Federal ng Pilipinas – Manila chapter sa pagka-Vice Mayor.
Hangad din ni Ocampo na magkaroon ng isang malinis na halalan upang makita ang tunay na gusto ng mga Manilenyo na maglingkod sa lungsod ng Maynila.
At hinikayat ni Ocampo ang lahat ng botante ng Maynila na makiisa sa Lunes na bumoto ng naayin sa bugso ng kanilang damdamin at huwag hayaan bilhin ang kanilang mga boto ng ilang tiwaling politiko.
Muli nanawagan ito na iboto siya #4 Pablo ‘Chikee’ Ocampo sa balota.