Advertisers

Advertisers

Pagpapaunlad ng turismo at negosyo pangunahing mithiin ng Turismo partylist

0 13

Advertisers

I

NANINIWALA ang Turismo Partylist na sa pagpapaunlad ng turismo  kasamang  uunlad ang negosyo at lilikha ng hanapbuhay para sa mga mamamayan.

Sinabi ng Turismo Partylist na makakatulong sa atin bayan at mamamayan na sa sandalling umunlad ang turismo sa bansa uunlad din ang mga negosyo na siyang lilikha ng mga hanapbuhay para sa ating mamamayan.



Ayon pa sa Turismo Partylist kapag nagkaroon ng mga negosyo, marami manggagawa  ang magkakaroon ng hanapbuhay at aasenso ang ating bansa.

Nabatid pa sa Turismo partylist na ang unang kinatawan nito ay si dating Tourism secretary Wanda Tulfo Teo bilang first nominee kapatid ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at Ben Tulfo.

Sinabi pa ng Turismo na ang pangalawang kinatawan ay si Ginoong Dave Almarinez asawa ni Ara Mina at dating board members ng Laguna, at dating migrant worker  at  naging batang entrepreneur.

Panawagan ng Turismo na muli nitong bubuhayin at papaunlarin ang turismo sa bansa dahil napaka ganda ng ating Pilipinas at kaakit- akit sa mga turista.

Hiling ng Turismo na isulong ang turismo sa bansa, upang magkaroon ng maraming trabaho at negosyo.