Advertisers

Advertisers

Tambunting namumuro na sa Comelec dahil sa vote buying

0 9

Advertisers

Pinatawan ng Commission on Elections (Comelec) si Paranaque 2nd District Congressman Gus Tambunting ng Show-Cause Order (SCO) ilang araw bago ang halalan para magpaliwanag sa reklamong vote buying laban sa kanya.

Sa pamamagitan ng pagpataw ng SCO, binigyan ng Comelec Committee on Kontra Bigay ng tatlong araw si Tambunting para sumagot sa alegasyon at ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat ma-disqualify sa pagtakbo sa darating na halalan at makasuhan ng paglabag ng election laws.

Ayon sa reklamong sinumite sa Comelec, si Tambunting diumano ay sangkot sa pamamahagi ng pera at pagkain sa mga grupo ng tao na hinahatid-sundo sa isang privately owned building kung saan naganap ang umano’y iligal na aktibidad.



Sinabi ng Comelec sa SCO na kitang-kita sa video at photo evidence na kasama sa reklamo ang pagsakay ng mga tao sa van, pagpasok sa isang building, at paglabas nila na may dala nang “food packages.”

Ayon sa reklamo, pagkatapos na mabigyan ng pera at pagkain ang mga tao, sila ay isasakay uli sa van at ihahatid kung saan sila na-pick up.

Makikita sa mga larawan na isinumite sa Comelec na ang mga sasakyan sa harap ng building na ginamit panghatid sa mga tao ay may mga nakadikit na mga campaign poster ni Tambunting.

Si Tambunting ay tumatakbo muli bilang kinatawan ng 2nd District ng Parañaque sa Kongreso.

Sa ilalim ng Section 261 (a) ng Omnibus Election Code, isang matinding election offense ang pagbibigay, pag-aalok o pangako ng pera o iba pang bagay na may halaga para maimpluwensiyahan ang botante na bumoto para sa isang kandidato o huwag bumoto laban sa katunggali nito.



Ang vote buying o vote selling ay pinapatawan ng parusang pagkabilanggo ng mula isang taon hanggang anim na taon, na walang palugit para sa probation. Parurusahan din ng disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno at pagbawi ng karapatan para bumoto ang mapapatunayang guilty ng vote buying o vote selling.