Advertisers

Advertisers

11 katao may dalang P400m naharang sa airport

0 6

Advertisers

Inaresto ang siyam na dayuhan at dalawang Pilipino sa Mactan-Cebu International Airport sa pagbibitbit ng hindi idineklara na malaking halaga ng pera, bago ang May 2025 midterm elections.

Sinabi ng tagapagsalita ng PNP na si Police Brigadier General Jean Fajardo, na tinangkang sumakay ng pribadong eroplano papuntang Maynila ang 11 suspek 10:30 ng gabi nang masabat sila sa isinagawang inspeksyon ng kanilang mga bagahe.

Kinabibilangan ang mga suspek ng 7 Chinese, isang Indonesian, isang Kazakhstani, at dalawang Pilipino.



Nadiskubre ng mga awtoridad na dalawa sa pitong Chinese national may notice mula sa Interpol dahil sa paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code o Pagnanakaw, na may piyansa na nagkakahalaga ng P10,000.00.

Ayon sa isinagawang imbentaryo ng nasabat na salapi, umabot sa kabuuang halagang P441,922,542.37 ang narekober.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng General Aviation terminal ang pera. Patuloy din iniimbestigahan ang mga naarestong suspek para sa posibleng pagsasampa ng kaukulang kaso.