Advertisers

Advertisers

‘Ang Dating Daan’, dumagdag sa suporta ng El Shaddai, Jesus is Lord at Christian Leaders sa kandidatura ni Mayor Honey Lacuna

0 17

Advertisers

SUMAMA na sa patuloy na humahabang listahan ng mga nagpapahayag ng suporta sa kandidatura ni reelectionist Manila Mayor Honey Lacuna ang Christian group na ‘Ang Dating Daan (ADD) na may mahigit 1,360 local congregations o monitoring centers sa Pilipinas pa lamang.

Kilala din bilang Members Church of God International (MCGI) in the Philippines, ang ADD ay itinatag ni Bro. Eli Soriano at ngayon ay pinamumunuan ni Bro. Daniel Razon. Kilala ito sa flagship radio and television program, “Ang Dating Daan,” kung saan si Soriano ang host.

Hango ang pangalan sa Bible verse sa Jeremiah 6:16, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsunod sa mga turo ng Diyos, ang MCGI ay lumawak sa ibang bansa at ngayon ay may mga centers sa iba’t-ibang bansa na may milyong miyembro sa buong mundo.



Sa paghayag ng ADD ng suporta kay Lacuna, ito ay dumagdag sa tatlong higanteng religious groups –El Shaddai, Jesus is Lord Church at Christian Leaders for Good Government- na pawang naghayag din ng suporta sa alkalde dahil sa kanyang integridad, mabuting asal at pagkatao at mabuting pamamahala, na ilan sa mga pangunahing kalidad ng isang lider na dapat mamuno sa Maynila.

Ayon kay Brother Mike Velarde, founder ng Catholic Charismatic Community El Shaddai na may siyam na milyong miyembro sa bansa, suportado nila si Lacuna dahil sa pagiging tunay na maka-Diyos nito sa maraming gawi at tibay ng paniniwala sa Panginoon.

Ang Jesus is Lord na itinatag ni Bro. Eddie Villanueva at ang legasiya ay itinutuloy ngayon ni Senator Joel Villanueva, ay naghayag din ng suporta sa magandang patakbo ni Lacuna at ang kanyang service record na walang bahid korapsyon.

Nitong Huweves ay inihayag din ng Christian Leaders for Good Government na ang liderato ay binubuo ng 500 Baptist at Evangelical pastors mula sa Maynila, ang kanilang buong pagsuporta sa kandidatura ni Lacuna na kanila pang inalayan ng panalangin.

Bago sila, sumuporta din ang malalaking samahan ng mga Muslim communities na naka-base sa Maynila.



Ang Sultanate of Phangampong a Pilipinas Da’wah Solidarity Inc. na binubuo ng may 3,000 member-leaders ay natutuwa umano sa pagsisikap ni Lacuna na bigyan ng pinakamagaling na serbisyo ang Manilenyo pagdating sa health care, education at peace and order.

Naunang magpahayag din ng suporta ang United Muslim Community sa Maynila, isa ding malaking grupo ng binubuo ng iba’t-ibang organizations ng Manila-based Muslims, dahil malasakit na ipinakikita ni Lacuna sa Muslim communities sa Maynila.

Samantala, ang Confederation of Truckers Association of the Philippines, Inc. (CTAP) na binubuo ng libo-libong truck owners, operators at tabahador na pawang naka-base sa Maynila ang nag-endoso sa kandidatura ni Lacuna, dahil ito lamang umano ang tumapos sa kanilang paghihirap sa kamay ng mga tiwaling law enforcers na naghari at kinikikilan sila noong nakaraang administrasyon.

Ang kampo naman ni dating Mayor Alfredo S. Lim, sa pangunguna ng kanyang pinakamatataas na opisyal na sina Ric de Guzman at Jay Marzan at Councilor Nino dela Cruz, ay pawang naghayag din ng suporta para kay Lacuna, dahil ito umano ang makapagsusulong sa Maynila nang maayos sa susunod na anim na taon.

Si De Guzman ay chief of staff, public information officer at pinakamalapit na confidante ni Mayor Lim habang si Marzan naman ay city administrator. Si Dela Cruz naman ay tumatakbo sa ikalawang termino at pinaka-kilalang apo ni Lim.

Silang tatlo ay pawang residente ng Maynila at binigyang-diin nila ang malinis na service record ni Lacuna na walang bahid ng korapsyon at isa umano itong doktora na siyang nagtawid sa Maynila noong panahon ng pandemya.

Sinabi din ni De Guzman na maraming opisyal na nagsilbi noong panahon ni Mayor Lim ang ibinalik ni Lacuna sa puwesto bilang pagpapakia ng tiwala sa pagpili ni Lim ng mga department heads.

Ang grupong Senior Citizens’ Partylist naman na pinamumunuan ni Rep. Rodolfo Ordanes ay naghayag ng suporta kay Lacuna dahil sa pag-aalaga umano nito sa may 200,000 senior citizens ng Maynila mula nang maging mayor noong 2022, partikular na nang doblehin nito ang buwanang allowance ng seniors para pantayan ang tulong ng national government.

Pinasalamatan ni Lacuna lahat ng nagpahayag ng suporta sa kanya at nangakong di niya bibiguin ang mga ito.

“Maraming, maraming maraming salamat sa inyong pagtitiwala at makakaasa po kayong lahat na hinding-hindi namin kayo pababayaan at lalong-lalo na, hinding-hindi namin kayo iiwan,” ani Lacuna. (ANDI GARCIA)