Advertisers

Advertisers

Bong Go sa Pilipino: Vote wisely

0 5

Advertisers

Ilang oras na lang bago ang halalan, nagpaalala si Senator Christopher “Bong” Go sa lahat ng Pilipino na maging handa “physically, mentally, at spiritually” sa pagganap ng kanya-kanyang papel sa paghubog sa kinabukasan ng bansa

“As citizens of this nation, it is our responsibility to protect the sanctity of the ballot. Let us approach Election Day with a clear conscience and a firm commitment to uphold democracy,” sabi ni Go.

Nauna na ring umapela ang senador sa lahat ng botante na i-check nang mas maaga ang kanilang voting precincts, gamit ang Commission on Elections’ Precinct Finder website, na accessible online.



Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan nito ay magiging mas madali at maayos sa bawat isa ang voting process sa araw ng halalan.

“Alamin na po natin nang maaga ang ating presinto upang maiwasan ang kalituhan at abala. Huwag po tayong maghintay pa ng huling araw. Mahalaga ang bawat boto,” iginiit niya.

Hinimok din ng senador ang mga Filipino na gamitin ang kanilang karapatan sa responsableng pagboto sa pamamagitan ng pagpili ng mga lider base sa merito, integridad, at gumaganap ng totoong serbisyo—at hindi lamang batay sa popularidad o political gimmicks.

“Mag-research tayo. Kilalanin natin ang mga kandidato. Bumoto po tayo hindi dahil sa anumang kapalit kundi dahil sa paniniwala kung ano ang nararapat,” idiniin ni Go.

Kasabay nito, nanawagan si Go sa mga awtoridad at election-related agencies na tiyaking magiging payapa, katanggap-tanggap at sumasang-ayon sa kagustuhan ng taumbayan ang magiging resulta ng halalan.



“Napakahalaga po na masiguro natin ang isang malinis at mapayapang halalan. Ang kinabukasan po ng bansa natin ang nakataya,” aniya.

Hiniling niya sa publiko na hadlangan at iulat ang anumang porma ng vote-buying, pananakot at dayaan.

“Ipaglaban natin ang dangal ng ating boto. Tayo po ang may hawak ng kapangyarihan na baguhin ang takbo ng ating bansa,” iginiit ni Go.