Advertisers

Advertisers

Driver naghagis ng granada sa QC, timbog

0 7

Advertisers

Nasa kostudiya na ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver ng motorsiklo na sangkot sa panghahagis ng granada sa White House SPA sa Barangay Obrero, Quezon City noong Mayo 8, 2025.

Ayon kay QCPD OIC PCol Randy Glenn Silvio, naaresto ang suspect na si Alyas John Paul sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang kulay puting motorsiklo at iba pang kagamitan.



Sinabi ni Col Silvio na on-going pa ang operasyon ng pulisya para hulihin ang back rider na si Adam Reginaldo, isang SK kagawad at residente ng Brgy. 152, Caloocan City.

Bukod sa kanya, hinahanap din ang middleman ng grupo na si Arnelly Bermejo at ang mastermind na kapwa nakakalaya pa.

Nakatakda ng sampahan ng kasong illegal possession of explosives ang suspect sa Quezon City Prosecutor’s Office.(Almar Danguilan)