Advertisers

Advertisers

Katulad ng pagpili ng yaya ng anak… BUMOTO NG TAMA – ATTY. KAPUNAN

Hindi ang mga kandidato ni VP Sara na baliw

0 13

Advertisers

IBOTO ang tamang lider ng bayan, hindi ang mga kandidato ni VP Sara Duterte na “isang baliw, bastos at kawatan ng pondo sa kaban ng bayan”.

“Dapat magalit na ang tao. Mga nanay at tatay, kapag kumuha kayo ng mag-aalaga sa anak ninyo, hindi ba gusto ninyo ang mapagkakatiwalaan na tao? Ganon din dapat ang gawin ninyo sa pagpili ng political leaders dahil sila ang mag-aalaga ng future na bayan natin, ng future ng inyong mga anak”, ani Atty. Lorna Kapunan sa isang panayam.

Kaugnay nito, sinabi ni Kapunan na hindi magandang halimbawang ina si Duterte kung kaya’t papaanong paniniwalaan na dapat iboto ang mga iniindorso nito.



Iginiit ni Kapunan na ang hindi magandang asal ni Duterte ay hindi dapat na balewalain ng tao kundi dapat na ikonsiderang huwag suportahan ang kanyang mga iniindorso dahil sa huli ay baka magkakasing-ugali narin sila.

“Naririnig natin siya mismo ang nagsasabi sa mga rally, naririnig natin siya, mga sinasabi niyang lumabas sa bunganga niya to caught her favorite mayor of Manila eh hindi lang basura kundi dugyot hindi ba garbage in garbage out, even when she talks about character of other people nakikita ang kanyang mental stability,” pagilinaw ni Kapunan.

Dahil dito, payo ni Kapunan sa lahat na pag-isipang mabuti ang karapat-dapat na iboto at hindi iyong inindorso lang ng kilala at mataas ang tungkulin ay iboboto agad gayung wala namang magandang pag-uugali at sa tamang pag-iisip ang nag-iindorso.