Advertisers

Advertisers

LALAKING NAKAHUBO, NAKAPASOK SA ‘RESTRICTED AREA’ NG NAIA TERMINAL 1

0 79

Advertisers

NAGING palaisipan sa mga awotoridad kung paano nakapasok sa ‘restricted area’ o tarmac ang isang lalaking nakahubo habang niyayakap ang landing gear ng isang commercial airline na nakaparada sa gate 6 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, Pasay City.

Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, ang ‘naked man’ ay dinala sa Pasay City General Hospital para sa isang medical and psychological test kung saan ay nakita siya ng security guard ng airline na nakahubo habang niyayakap ang pangunahing landing gear ng eroplano.

Inutos din ni GM Ines ang review ng CCTV ng airport upang malaman kung saan galing at paano nakapasok sa tarmac ang lalaking nakahubo na sinasabing dumaan sa ‘restricted area’ na walang nakapunang security personnel.



Ayon naman sa Airport Ground Operations Division (AGOD) ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) na posibleng dumaan sa malaking butas ng kanal na nakapaligid sa runway ang lalaking nakahubo dahil natatakpan ng putik ang kanyang katawan.

Nagsasagawa ngayon ng parallel probe ang MIAA at NNIC sa misteryosong pagkakapasok ng hindi pa nakikilalang lalaki sa airport restricted tarmac area.

Noong Enero ay natagpuan rin sa gitna umano ng runway ang isang bata na naglalakad sa runway lights na ikinagulat ng mga security personnel ng airport. (JOJO SADIWA)