Advertisers
Nagkakahalaga ng P197.2 million shabu ang nasamsam sa magdyowa ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isingawang buy bust operation sa isang subdivision sa Parañaque City, Sabado ng hapon.
Kinilala ang naaresto sa alias na “Jalil,” 44-anyos; at Alias “Gracia,” 36, pawang taga Cebu City.
Sa report, 5:00 ng hapon nang magsaga PDEA Regional Office National Capital –RSET1, PDEA Southern Disitirct Office, PNP Drug Enforcement Group Special Operatin Unit atwa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng Parañaque City Police Station sa ekslusibong subdivision sa Parañaque City.
Nabatid na sinamantala umano ng mga suspek ang mahigpit na ipinapatupad na protocol ng subdivision, kaya nahirapan ang mga otoridad na magsagawa ng surveillance at pag-validate ng intelligence bago ang operasyon,
Nasaman ng mga operatiba ang 29 pack ng aluminum foil pack naylabled na “freeze –dried durian na may chines charracte bawat isa. Nasa kabuan 29 kiograms ng shabu ang narekober na nakakahalaga ng P197.2 million.
Nasa kustodiya ng PDEA RO NCR ang mga suspek habang sumasailalim sa imbestigasyon.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, and 26 under Article II of Republic Act 9165, also known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Mark Obleada)