Advertisers

Advertisers

Pekeng DQ vs Jaye Lacson- Noel at Bem Noel, buking; ‘petitioner’, itinanggi ang reklamo

0 22

Advertisers

Mariing itinanggi ng ‘petitioner’ sa isinampang disqualification case laban kina Congw. Jaye Lacson-Noel at Bem Noel, na may kinalaman ito sa reklamo.



Kinilala ang naturang ‘petitioner’ na si Mary Grace S. Reyes, residente ng Brgy. Bayan-Bayanan, Malabon City.

Gayunpaman, sinabi ni Reyes na wala siyang kinalaman sa nasabing kaso, at wala siyang pinipirmahan na kahit na anong dokumento.

Ayon sa Rules of Procedure ng COMELEC, ang pinapayagan lamang ng komisyon na magsampa ng kaso laban sa isang kandidato, isang political party, o isang rehistradong botante sa lugar kung saan inihain ang diskuwalipikasyon.

Ngunit matapos ang pagsisiyasat, lumalabas na walang kinalaman ang dalawang “Mary Grace S. Reyes” na residente ng Malabon, sa isinampang kaso laban kay Jaye Lacson-Noel.

Hindi rin umano pagmamay-ari ng mga ito ang ginamit na ID ng petitioner, at ang pirma sa dokumento na ginaya lamang mula sa mga ito.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na ang naturang pirma pinagaya lamang sa isang kabataan, kapalit ng pangakong educational at financial assistance.

Samantala, nakatakda namang maghain ng petisyon sa COMELEC ang abogado ni Reyes na si Atty. Hans Tiu, upang i-withdraw ang disqualification petition. Magsasampa rin ito ng kaso laban sa mga grupo at indibidwal na nasa likod ng pekeng reklamo.(Beth Samson)