Advertisers

Advertisers

Stampede sa bayaran ng watchers: 2 patay, 10 sugatan

0 7

Advertisers

Patay ang dalawang senior citizen, at 10 ang sugatan nang humantong sa stampede ang payout umano ng isang grupo ng mga kandidato para sa watchers sa Barangay Tumaga sa Zamboanga City.

Kabilang sa nasawi ang isang 80-anyos na babae at isang 65-anyos na lalaki.

Sa ulat, nangyari ang stampede sa orientation meeting ng mga poll watchers na ginanap sa Royce Convention Center sa Grand Astoria Hotel.



Parehong isinugod sa Zamboanga City Medical Center ang dalawang senior citizen na kapwa idineklarang dead on arrival. Kasalukuyan namang ginagamot ang mga sugatan.

Dumagsa umano ang mga tao sa naturang lugar nang kumalat ang balitang mamimigay ng pera o ayuda.

Sa isang video ng isang netizen, isang babae ang pinilit nang hilahin nang maipit sa dagsaan ng mga tao.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pagtitipon.

Samantala, sa isang hotel sa Barangay Pasonanca, nawalan ng malay ang nasa 11 residente dahil sa pagod at gutom, na karamiha’y mga senior citizen.



Ayon sa mga residente, naghihintay rin sila ng paunang bayad bilang watcher galing sa mga kandidato na hindi nila pinangalanan.

Ayon sa Comelec, nauna na nilang ipinag-utos sa kapulisan ang pag-disperse sa mga tao sa mga payout sites sa Zamboanga City.