Advertisers
Sugatan ang apat na indibidwal sa isang shooting incident sa Barangay Rosario Heights X, Cotabato City nitong Linggo ng gabi, ayon sa 6th Infantry Division (6ID) ng Philippine Army nitong Lunes.
Base sa ulat, sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga taga-suporta ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) at Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo (SIAP) political parties 10:50 ng gabi.
Nauwi ito sa palitan ng putok ng baril, base sa 6ID. Kabilang sa mga biktima ang isang police corporal.
Nagsasagawa na ng pursuit operations laban sa mga suspek.