Advertisers

Advertisers

Comelec sa PNP: ‘Warrantless arrest sa mga vote-buyers pinapayagan’

0 2

Advertisers

HINIMOK ng Commission on Elections (COMELEC) ang Philippine National Police (PNP) na higpitan ang pagbabantay sa mga bumibili ng boto.

Sinabi ni COMELEC chairman George Garcia, na hindi na kailangan ang warrant of arrest sa paghuli sa mga bumibili ng boto dahil ito ay pinapayagan sa batas.

Dagdag pa nito na mayroon itong mahigpit na bilin sa mga kapulisan bilang kanilang deputized agent at kailangan ang paghigpit sa pag-aresto sa mga bumibili ng boto.



Maging aniya ang mga nagbebenta ng mga boto ay maaring arestuhin ang mga ito kung saan mahaharap ang mga ito ng hanggang anim na taon na pagkakabilanggo.

Pinayuhan din nito ang publiko na kumuha ng mga larawan at video na nagsasagawa ng vote buying na gagamitin nilang ebidensiya.