Advertisers
UMAABOT na sa 159 na mga indibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa umiiral na liquor ban.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo ang datos ay hanggang nitong 11:59pm ng May 11, 2025.
Ayon sa Comelec Resolution No. 11057, mahigpit na ipinagbaba-wal ang pagbebenta, pagbibigay, pag-aalok, pagbili, pagsisilbi ng nakalalasing na inumin sa lahat ng mga establisyimento ng negosyo, kabilang ang mga hotel, resort, restaurant, at bar.
Layon nitong maiwasan ang mga kaguluhang dulot ng alak na maaaring makasagabal sa proseso ng botohan.
Ang sinumang lalabag dito ay mahaharap sa multang P1,000 hanggang P6,000 at pagkakakulong ng hanggang anim na taon.
Ang nasabing liquor ban ay epektibo simula noong Mayo 10 at nagtagal hanggang nitong Lunes, Mayo 12, 2025.