Advertisers
Maagang bumoto si Caloocan City Mayor Along Malapitan nito Lunes, Mayo 12, sa Breeze Elementary School.
Sinamahan siya ng kanyang asawang si Aubrey Malapitan, at kanyang amang si First District Representative Congressman Oca Malapitan.
Kasalukuyang tumatakbo sa kanyang ikalawang termino si
Mayor Along Malapitan.
Nagpapasalamat si Mayor Along sa mga mamamayan ng Caloocan sa kanilang walang sawang pagsuporta at pagtitiwala at naniniwala siyang muling iluluklok ng mga Kankaloo bilang Alkalde ng Lungsod.(BR)