Advertisers
NAGSILBING mga poll watchers ang mga pulis kapalit ng mga uniformed personnel sa ilang bayan sa Lanao del Sur at Maguindanao del Sur.
Ito’y matapos umatras ang bilang mga electoral board ang mga guro dahil sa nagpapatuloy na tensyon na nasabing mga lugar.
Kaugnay nito, mahigit walong daang pulis naman mula sa Luzon ang mamamahala sa polling center sa Buluan, Maguindanao del Sur, isa sa dalawang lugar sa bansa na nasa ilalim ng kontrol ng Commission on Elections.
Ayon kay Maguindanao del Sur Election Supervisor Allan Kandon, 100 percent ng PNP ang magsisilbing Special Electoral Boards.
Nabatid na maging ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte ay isinailalim na sa COMELEC control dahil sa mga naiulat na insidente ng karahasan sa mga munisipalidad.