Advertisers
ILANG mga dati at kasalukuyang senador na tumakbo sa kani-kanilang distrito ang hindi pinalad na manalo.
Sa Lungsod ng Las Pinas kung saan tumakbo sa pagka-kongresista si Senator Cynthia Villar ay lumamang ang katunggali nitong si Mark Anthony Santos.
Habang sa Marikina City kung saan tumakbo sa pagka-kongresista sa unang distrito ng Marikina si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel ay natalo ito sa dating alkalde na si Marcy Teodoro.
Sa Caloocan City naman kung saan tumakbo sa pagka-alkalde si dating Senator Antonio Trillanes IV ay nakakuha lamang ito ng botong 175,291 kumpara sa kalaban nito na si Along Malapitan na may 266,372 boto.