Advertisers

Advertisers

Mga kandidato at partido, may 5 araw para baklasin ang campaign materials — Comelec

0 5

Advertisers

BINIGYAN ng Commission on Elections (Comelec) ng limang araw ang mga kandidato upang baklasin ang kanilang mga campaign materials.

Sinabi ni Director John Rex Laudiangco, na siyang tagapagsalita ng Comelec, maaaring maharap sa election offense ang sinumang hindi susunod.

Ayon sa Comelec, patuloy na ipinatutupad ang Section 30 ng Resolution No. 11086 na nagbibigay ng limang araw para alisin ng mga kandidato o partido ang kanilang campaign materials.



Partikular na ipinaalis ng poll body ang mga election propaganda materials na nagkalat sa mga lansangan.

Sakaling hindi sumunod, maaaring maharap sa diskwipikason ang mga nanalong kandidato.

Nakatutok aniya ang Task Force Baklas para panagutin ang mga ito.

Nauna nang sinampolan ng Task Force Baklas ang ilang kandidatong hindi sumunod sa paglalagay ng campaign materials sa tamang lugar at sinampahan sila ng disqualification case.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">