Advertisers
SA halip na kaligayahan at pagmamahal ang tamasahin dahil sa pagdaraos ng “Mothers Day”, pinatay sa pamamagitan ng paghataw sa ulo ang isang misis ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Riverside, Barangay Pahinga Norte, Quezon.
Ang biktima, na nagtamo ng mga grabeng sugat sa ulo, ay kinilalang si “Hilda”, 52 anyos; habang tumakas ang salarin na si “Diony”, 58, isang obrero na nahaharap sa kasong parricide.
Ayon kay Police Master Sgt. Leo Ognayon, officer on case, 8:30 ng gabi habang isini-celebrate ng mag-asawa ang “Mothers Day” sa pa-mamagitan ng pag-inom nang nagkaroon ng mainit ang pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa.
Sa gitna ng komosyon, kumuha ng isang kahoy ang mister at sunud-sunod na hinataw sa ulo ang misis at duguang bumulagta.
Mabilis na tumakas ang mister nang nakitang nakabulagta ang misis.