Advertisers
NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dapat managot ang sinumang lumalabag sa batas.
Ito ang tugon ng Pangulo nang matapos sa kaniyang vlog kung paano niya haharapin ang mga kaalyado o pamilya na humahadlang sa reporma o lumalabag sa batas.
Sinabi ni Pangulong Marcos, dapat kahit kaalyado pa niya ito o miyembro ng kaniyang pamilya, dapat panagutin ito sa batas para magkaroon ng katarungan sa lipunan.
Para naman sa mga humahadlang sa polisiya ng administrasyon, bukas aniya na makinig ang Pangulo lalo na kung may magagandang suhestiyon sa reporma.
Gayunpaman, ibang usapan na aniya kung kinokontra ang lahat ng kaniyang ginagawa dahil lamang sa politika at wala na aniya siyang magagawa tungkol dito.