Advertisers

Advertisers

Say ng ICC lawyer: ‘BONG GO AT BATO IPAAARESTO NG ICC’

0 12

Advertisers

DALAWA sa pinakamalapit na kaalyado ni dating Presidente Rodrigo Duterte – Senators Ronald Dela Rosa at Bong Go —ay posibleng maharap sa trial sa International Criminal Court (ICC), ayon kay human rights lawyer Kristina Conti.

Sinabi ni Conti, pangunahing counsel para sa National Union of People’s Lawyers (NUPL) at siyang nagre-represent sa maraming pamilya ng mga biktima, ang imbestigasyon ng ICC sa madugong drug war ng nakaraang Duterte administration ay nasa bahagi na ng pagpapasya.

“Bato, I’m pretty sure, will get a warrant of arrest,” sabi ni Conti sa panayam nitong Lunes. “By later this year, possibly September, we might be looking at a sitting mayor on trial — assuming he wins. And we’re looking at two senators of the Republic being on trial.”



Sa kabila ng kanyang pagkakakulong sa The Hague, Netherland, si Duterte ay nagkapag-file ng kanyang candidacy sa pagka-mayor ng Davao City para sa midterm election at nanalo ito laban kay Carlo Nograles.

Inilarawan ito ni Conti bilang “stunning paradox”, sinabing nakakatawa na ang taong nahaharap sa crimes against humanity ay naghahangad parin ng upuan sa public office.

Si Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police (PNP), ang nanguna sa anti-drug operations ni Duterte noong kanyang kasagsagan sa pambansang pulisya.

Si Go, ang matagal nang “alalay” ni Duterte, ay nasangkot dahil isa siya sa mga nagdedesisyon sa war on drugs.

Ang dalawang mambabatas ay silang nangunguna sa paggawa ng mga polisiya sa extrajudicial killings kungsaan sinasabing higit 30,000 katao ang nasawi.



“The ICC is no longer just looking at Duterte,” sabi ni Conti. “They will look at who is responsible and, more importantly, who is most responsible. Those who enabled, carried out, or failed to stop the killings can be held liable under international law.”

Sinabi ni Conti na tinitingnan na ngayon ng tribunal ang lawak ng chains of command at pagkakasala.
Maliban kina Dela Rosa at Go, ang iba pang dating opisyal tulad nina Justice secretary Vitaliano Aguirre at dating Interior secretary Ismael Sueno ay nahaharap din sa mga reklamo.

Sa ilalim ng doctrine of command responsibility na nakatago sa Rome Statute, ang senior officials ay may pananagutan kahit na sila ay hindi pisikal na sangkot sa mga pagpatay.

“Those who knew about the killings and continued to support the policy without doing anything to stop it can be held criminally responsible,” sabi ni Conti. “The ICC is not like our local courts that require a person to have physically pulled the trigger.”

Si Duterte, inaresto noong Marso, ay nakakulong ngayon sa ICC facility sa Netherlands, at nahaharap sa mga reklamong’crimes against humanity’.

Maari aniyang gawing rason ngayon ng mga nasabing kaalyado ni Duterte na sila’y biktima ng political persecution dahil sa kanilang pagkapanalo sa nakaraang halalan.

“They might use their positions to claim political persecution — not prosecution — and rally public sympathy,” diin niya.

Aniya, ang proseso ng ICC ay nakabase sa mga ebidensiya, hindi sa political rivalry. “This is not a Duterte versus Marcos war. It’s the people versus Duterte. The central question remains: Did he commit crimes against humanity?”

Inaasahan na ang paglabas ang arrest warrant kina Go at Dela Rosa.