Advertisers
KINAILANGANG daanin sa coin toss ang pagtukoy sa ranking ng dalawang konsehal sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya nang magtabla sa resulta ng halalan.
Parehong 1,351 ang nakuhang boto nina Dr. Clifford Tito, isang optometrist; at Thomas Dave Santos na isa namang negosyante, kapwa 27 taon gulang at nanguna sa pagka-konsehal sa katatapos sa 2025 midterm elections.
Dahil dito, nagsagawa ng coin toss ang Municipal Board of Canvassers upang matukoy kung sino ang maitatanghal bilang number 1 councilor.
“Pinanigan ng swerte” si Santos na pumili ng ‘tails’ side, habang pumangalawa sa walong konsehal si Tito.
Ayon sa dalawa, hindi nila inasahang magtatabla sila, lalo na sa pagka-senior councilor na madalang umanong mangyari.
Tanggap naman ni Tito ang resulta, kasabay pa ng pagsa-sabing bonus na sa kanya ang ikalawang pwesto, lalo na at ang ipinanalangin lamang niya ay ang manalo sa halalan.
Batay sa Omnibus Election Code Section 240, kapag pantay ang nakuhang boto ng da-lawang kandidato, pinapayagan ang Board of Canvassers na magsagawa ng draw lots o ng coin toss.