Advertisers

Advertisers

Malabonians dinumog ang Comelec sa iregular na canvassing

0 7

Advertisers

MAHIGIT isang libong concerned citizens ng Malabon City ang naglakad mula sa Letre Road, Barangay Tonsuya ang sumugod sa tanggapan ng Comelec sa lungsod ng Malabon dahil sa umano’y iregularidad sa “canvassing” matapos makakuha ng mababang boto ang kampo ni Mayoralty bet Jaye Lacson-Noel.



Makaraan ang isinagawang proklamasyon, umalma, nagalit, at nagpahayag ng pagkadismaya sa Comelec ang supporters ni Lacson-Noel hinggil dito.

Hindi naging hadlang ang pagharang ng Malabon Police sa mga ito sa harapan ng San Bartolome Church, malapit sa Cityhall, at isinisigaw ang pagsasagawa ng “ recount” at mag-manual counting habang inaantay ang sagot ng Comelec Malabon.

Ayon sa isang galit na protester: “Kagabi palang, habang nagaganap ang canvassing sa Cityhall, pinipili na nila ang mga pinapapasok. Doon palang, alam mo na na may nangyayaring dayaan. Nakakalungkot, sa Cityhall pa ng Malabon ako itinataboy.”

Ayon pa sa isang netizen, “Nakakahiya ang ginawa nilang pandaraya. Iisa ang numero na bilang ng boto ni Jaye Lacson-Noel na lumalabas sa lahat ng Automated Counting Machines sa lahat ng presinto – 400 minsan 500 habang ang kalaban ay nasa libo na hindi makatarungan at ipaglalaban namin ang tahasang paglapastangan nila sa karapatan namin sa pagboto”, paglalahad nito.

Inaasahan ng marami ang pagkapanalo ni Lacson-Noel sa labanan ng pagka-mayor.

Hanggang 4:30 ng hapon, wala paring opisyal na komento ang Comelec Malabon City nang hingian sila ng pahayag ukol dito.

Muli, anila, silang babalik sa lansangan upang ipakita ang suporta kapag hindi ito binigyang- pansin ng Comelec. (Beth Samson)