Advertisers
Nasawi ang magkabiyak na guro na may computer shop nang pagbabarilin ng mga motoristang armado sa poblacion ng Matalam, Cotabato nitong Miyerkules ng gabi
Sa ulat ng Cotabato Provincial Police Office nitong Huwebes, hindi na umabot ng buhay ang public school teacher na si Eliser Sugaste at Lalaine Sugaste sa hospital kung saan sila dinala ng mga emergency responders para malapatan sana ng lunas.
Ayon sa mga officials ng Matalam Municipal Police Station at kay Col. Gilberto Tuzon, Cotabato provincial police director, pumarada sa tapat ng computer shop ng mag-asawa ang mga lalaking motorista, lumapit sa kanila, naglabas ng mga baril at hiningi ang susi ng kanilang motorsiklo.
Agad silang pinaputukan ng mga armado nang maibigay ng isa sa kanila ang susi ng kanilang motorsiklo, kaya may paniwala ang mga lokal na kinauukulan at mga kamag-anak ng mga biktima na may mas malalim na dahilan ang pagkakapaslang sa kanila.
Mabilis na nakatakas ang mga salarin na inaalam pa ng mga police investigators kung sino at kung ano ang kanilang motibo sa pagsagawa ng naturang krimen.