Advertisers
Biyaya ng Patron nang San Isidro Labrador, ang hanggad ng bawat isang henete ng kalabaw na nakiisa sa Pista ng Patron ng Magsasaka.
Ayon kay Romeo Pascual,ng Brgy. Dulong Malabon Pulilan Bulacan, aniya masaganang ani, at maayos na kalusugan ng pamilya ang kanyang hiling sa Patron.
Sinabi ni tatay Romeo na 5 buwang gulang pa lamang ang alaga niyang kalabaw ng turuan niya itong lumuhod, hanggang sa umabot sa edad na 20 taon.
Sinabi naman ni Roberto Rivera ng Brgy. Cupang Pandi, matagal na siyang sumasali dahil naging panata na niya ito kada taon ang kneeling carabao festival, na nagbigay sa kanya ng mas maayos na buhay dahil mula sa isang kalabaw, halos pang-anim na taon na niyang pagsali, umabot na sa 4 na kalabaw ang kanyang alaga at umabot na rin sa 8 hektaryang bukid na ang kanyang sinasaka mula sa dating 2 hektarya lamang.
Sinabi naman ni Mayor Maritz O Montejo, at local na turismo ng Pulilan, aabot sa higit 400 kalabaw ang nakiisa sa parada na ang ilan sa kanila lumuhod sa harap ng Simbahan ng San Isidro Labrador sa barangay Poblacion
Bukod dito nagkaroon din Barangay Kariton, kung saan dito nakalagay o nakasabit ang ibat-ibang gulay na ani mula sa kanilang mga bukid o sakahan.
Sa pamamagitan ng festival, nanatili ang malalim na paniniwala ng mga filipino sa kultura na kanilang kinagisnan.
Samantala kahit matindi ang sikat ng araw naghintay at kanya -kanyang pwesto ang mga residenteng nais masaksihan ang pagluhod ng mga kalabaw sa harap ng Simbahan.(Thony D. Arcenal)