Advertisers
Isinakay sa isang commercial plane si dating Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr. mula sa Timor-Leste.
Sa inisyal na impormasyon batay sa SMNews sa Timor-Leste, isinakay ng eroplano ng Philippine Air Force na may tail number 142.
Inabot umano ng tatlo hanggang apat na oras ang biyahe ni Teves.
Dumating sa Villamor Air Base sa Pasay City si Teves, 7:50 ng gabi nitong Huwebes, Mayo 29 lulan ng isang C-295 cargo plane ng Philippine Air Force (PAF) na may tail number 142.
Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , ang nagkumpirma na dumating na si Teves sa bansa at lubos ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng Timor-Leste sa pag-deport sa naturang pugante.
Matapos ipa-deport ng pamahalaan ng Timor-Leste bunsod ng pagiging illegal immigrant at itinuring na banta sa seguridad ng naturang bansa.
Todo bantay at nakaposas ang mga kamay at paa 53-anyos na dating mambabatas nang ilipat ng East Timorese security ang kustodiya nito sa mga kinatawan ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI) sa kanyang pagdating sa naturang military base na .
Samantala, tiniyak ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang kaligtasan ni Teves habang nasa kustodiya ng mga awtoridad sa kanyang pagdating sa Pilipinas.
Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo at 12 iba pa noong Marso 2023.
Samantala, nanindigan naman si Atty. Ferdinand Topacio na dapat dalhin sa Maynila ang kanyang kliyenteat iharap sa korte o sa Manila Regional Trial Court, branch 51 na siyang nag-isyu ng warrant of arrest.
Sa nasabing korte aniya tutukuyin kung tama ba ang proseso ng pagkakaaresto kay Teves. (Jocelyn Domenden)