Advertisers
Nahaharap ngayon sa illegal possession of fire arms and Ammunition ang dalawang lalaki nang mahulihan ng baril nang ireklamo ng walang habas na pagpapaputok sa Brgy. Poblacion 1, habang arestado rin ang isa pa nang ireklamo ng pananakit at pagbabanta sa kanyang asawa sa Brgy. Sta Cruz -lll sa siyudad ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Dir. BGen. Rogelio Ponce Peñones Jr., mula kay Acting PNP Bulacan Provincial Director PCol. Angel Garcillano, at kinilala ang mga nadakip na sina alyas Dro, ng Brgy. Poblacion 1, na nahulihan ng Cal.45 na baril na may 22 bala; at isang alyas Ruel na nahulihan ng cal.38 na replica na sukbit nito habang nakikipagtalo sa kanyang asawa 4:00 ng hapon kahapon araw ng Sabado.
Mabatid na nadakip ang mga suspek sa tulong ng mga Concern Citizen,gamit ang PNP-911,kung saan agad na dumating ang grupo ng PNP-SWAT na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.
Bukod sa paglabag sa RA10591at indiscriminate firing si alyas Dro, habang sasampahan din ang kasong paglabad sa RA.9262 si alyas Ruel na kasalukuyang nakakulong sa San Jose del Monte Jail facility.(Thony D. Arcenal)