Advertisers

Advertisers

13 opisyal sinuspinde sa P100m anomalya

0 23

Advertisers

SINUSPINDE ng Ombudsman ang 13 opisyal ng Tarlac City sa umano’y maanomalyang pagbili ng gamot na umabot sa P100 milyon.

Ang 13 opisyal ng Tarlac City, na sinuspinde ni Ombudsman Samuel Martires, ay kinilalang sina City Health Officer Ma. Carmela Lacsamana-Go, City Treasurer Agnes Torres, City Accountant Roland Domingo at Property and Supply Officer Renato Policarpio, Jr.

Kabilang din sina Bids and Awards Committee officials Romeo de Leon, Jose Dungca, Numer Lobo, Lorina Ledesma, Reymar Razon, Emilou Sicangco, Cesarina Macuha, Tristan Gozum at Orlando Gatpolintan.

Kaugnay ito ng mga overpriced, ghost deliveries at iregular na pagbili ng mga gamot na mahigit P100 milyon ang halaga noong 2017 at 2018.

Ayon kay Martires, may matibay na ebidensiyang nagpapakita ng kanilang pagkakasala, at pansamantalang sinuspinde nang hanggang anim na buwan ng walang sahod.

Ang kautusan ay batay sa mga natuklasan sa fraud investigation na isinagawa ng Commission on Audit noong 2024, na nag-ugat sa isang reklamong administratibo para sa grave misconduct, gross neglect of duty, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service laban sa 13 nabanggit na mga opisyal.

Isinampa ang reklamo ng mga kasalukuyang konsehal ng Tarlac City na sina Pee Jay Echalar Basangan at Emily Rosal Ladera-Facunla, kasama ang mga dating konsehal na sina Genaro Mendoza at Vladimir San Pedro Rodriguez.

Ayon sa Ombudsman, layunin ng preventive suspension na maiwasan ang pakikialam sa ebidensiya, masigurong maayos ang imbestigasyon at mapanatili ang tiwala ng publiko sa gobyerno.