Advertisers
Mahigit isang buwan nang sumasakit ang ulo ng mga taga-Malabon dahil kahit hindi umuulan ay baha sa iba’t ibang lugar sa lungsod tulad ng nasa-larawan na likod ng mismong Malabon City Hall na kuha kahapon ng Police Files lensman Errol Borromeo. Dahil panahon ng high-tide na dahilan ng araw araw na baha sa lungsod, patuloy na mararanasan ng mga taga-Malabon ang baha hangga’t hindi natatapos ng Department of Public Works and Highways ang nasirang navigational flood control gate na nagsisilbing pangharang ng tubig dagat para hindi makapasok ang tubig sa Malabon at Navotas kapag high tide. (PHOTO BY: ERROL BORROMEO)