Advertisers

Advertisers

‘Killers’ ng 2 Japanese national, iniharap kay Mayor Isko

0 63

Advertisers

Iniharap na kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang dalawang suspek sa pamamaril at pagpatay sa dalawang Japanese national noong Biyernes .

Kinilala ang mga suspek na sina Albert Manabat y Nuqui, 50-anyos na siyang gunman; at kapatid na si Abel Manabat y Nuqui, 62, pawang taga-Minalin, Pampanga.

Sinampahan ang mga suspek ng reklamong murder by shooting at theft sa Manila Prosecutors Office, nitong Martes.



Natukoy na rin ang pagkakilanlan ng mga biktima na sina Hideaki Satori, 53-anyos, system engineer; at Akinobu Nakayama, 41-anyos at kapwa nanunuluyan sa Midas Hotel and Casino sa 2702 Roxas Boulevard, Pasay City

Nangyari ang insidente noong Biyernes. 10:40 ng gabi sa kahabaan ng Malvar Street sa harap lmang ng Sheraton Manila Bay sa Brgy. 699, Malate, Maynila.



Ayon sa pulisya, isang Japanese din ang nag-utos na ilikida ang mga biktima kung saan binayaran sila ng P9 milyon.

Posible umanong onsehan sa hindi mabatid pa na transaksyon ang motibo ng mastermind kaya nagawan ipapatay ang mga biktima.



Tiniyak naman ni Mayor Isko na kapag sa Maynila ginawa ang krimen. tiyak na hindi sila makakatulog ng mahimbing.

Tiniyak din ng alkalde na maibibigay ang hustisya sa mga biktima .(Jocelyn Domenden)