Advertisers

Advertisers

Benilde ginulat ang FEU sa V-League Men’s Collegiate Challenge

0 6

Advertisers

ANG College of Saint Benilde ay nagpakita ng mas matatag na laro sa ikalimang set upang talunin ang defending champion na Far Eastern University sa 2025 V-League Collegiate Challenge Linggo ng gabi sa Paco Arena Events and Sports Center sa Maynila.

Nagtapos si Reymarkey Betco na may 24 puntos mula sa 23 atake at isang block, kasama ang apat na digs, habang si Rocky Motol, ang kasalukuyang MVP ng NCAA, ay may 20 puntos mula sa 16 atake, dalawang block, at dalawang ace kasabay ng 22 reception at anim na digs.

Nag improved ang rekord ng Benilde sa 2-4, ang unang panalo ay mula sa Arellano University, 23-25, 25-14, 30-28, 25-22, noong Agosto 30.

“When those situations give rise to errors and we have no timeouts, no substitutions, and no challenges, it’s up to them. It’s up to them to do what they want. They wanted it, from our 31-29 first set until the end,” Wika ni Blazers head coach Arnold Laniog.

Isang 10-4 run ang nagbigay sa Benilde ng 13-10 na kalamangan sa ikalimang set bago nakabawi ang FEU upang makuha ang bentahe sa 15-14.

Betco scored on an attack, Mike Balbacal blocked Luis Miguel, and Motol stopped Charles Absin to wrap up the match after two hours and 13 minutes.

Nag-ambag si Balbacal ng nine points, kabilang ang three blocks, habang skipper John Austero at Paul Jordan nagdagdag ng eight at seven points,ayon sa pagkakasunod, para sa Benilde, na makakaharap ang UAAP champion National University sa Setyembre 10.

Middle blocker Lirick Mendoza umiskor ng 19 points off 14 attacks, four blocks, at one ace, habang ang sophomore hitter Amet Samuel Bituin nagtala rin ng 19 points kabilang ang 10 receptions para sa FEU.

Miguel bumakas ng 15 points, Dryx Saavedra umiskor ng 13 points at Rhodson Du-ot kumana ng 25 excellent sets para sa Tamaraws, na makakatapat ang Letran Knights sa Miyerkules.