Advertisers

Advertisers

Romblon congressman todo deny may project kay Discaya

0 4,662

Advertisers

TODO deny ang kinatawan ng lone district ng Romblon na si Eleandro Jesus “Budoy” Madrona na may project siya sa kontrobersiyal na kontraktor na Discaya, matapos siyang pangalan na isa sa mga kongresista na binigyan o nanghihingi ng “kickback” sa mga proyekto partikular flood control sa Senate Blue Ribbon inquiry nitong Lunes.

Sa pagtatanong ng mga senador, sinabi ni Curlee Discaya, mister ni Sara na silang may-ari ng siyam na construction firms na kabilang sa top 15 contractors na binanggit ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na nakakorner ng pinakamaraming flood control projects sa Department of Public Works and Highways (DPWH), na personal na nagpunta sa kanyang tanggapan si Madrona para mag-alok ng proyekto at ang mga tauhan nalang ng huli ang nagdala ng kotse para kargahan ng “bagay” at ang iba ay siya na mismo ang nag-deposit.

Sabi ni Curlee, ang hinihingi sa kanya o binibigay niya sa mga kongresistang nagbibigay sa kanya ng proyekto ay 25 percent. Ibig sabihin kung P100 million ang halaga ng proyekto, ang P25m ay sa congressman. Cash n’ya raw na ibinibigay ito.

Noong hindi raw kasi siya nagbibigay ng kickback ay hindi siya nananalo sa bidding, lagi siyang disqualified!

Reaksyon naman ni Madrona: “I strongly deny the statement of Discaya. To my recollection, wala akong project sa kanya, so anong basehan ng sinabi niyang pagbigay niya sa akin? I hear he bidded o projects sa aming budget sa Romblon pero I have no hand hand knowledge on how he pays those involved.”

Sa tala ng DPWH, umabot na sa P5.8 billion ang halaga ng flood control projects sa Romblon. Ang Sunwest ni Ako Bicol Partlylist Rep. Zaldy Co, Legacy Construction ni Alex Abelido at kompanya ni Discaya ang nakakorner ng mga proyektong ito. Ang isa sa mga lokal na kompanyang sumawsaw sa proyekto ay ang St. Pius.

Base sa post ng netizens ng Romblon, halos lahat ng proyekto ng mga nabanggit na kompanya ay depektibo, palpak o kaya’y hindi tinapos.

Samantala, bumuo ng task force ang bagong gobernador ng Romblon, Trina Firmalo-Fabic, para imbestigahan ang lahat ng proyekto ng DPWH sa Romblon alinsunod sa pakiusap ni Pangulong Marcos na bantayan at tingnan ang mga proyekto ng national sa mga probinsiya.

Tuldukan!

***

Maliban kay Madrona, ang iba pang politiko na pinangalanan ni Discaya na binigyan niya ng malaking kickback sa kanyang mga proyekto ay sina: Terence Calatrava, dating Usec/Office of the Presidential Assistant for the Visayas; Rep. Roman Romulo ng Pasig City, Rep. Jojo Uswag ng Ilonggo partylist, Rep. Patrick Michael Vargas ng Quezon City, Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde ng Quezon City, Rep. Nicanor Briondes ng AGAP Partylist, Mayor Marcy Teodoro ng Marikina City, Rep. Florida Robes ng Sam Jose del Monte, Bulacan; Rep. Benjie Agarao ng Laguna, Rep. Florencio “Bem” Noel, ng Anwaray Partylist, Rep. Leody Tarriela ng Occidental Mindoro, Rep. Reynante Aroganca ng Quezon Province, Rep. Marvin Rillo ng Quezon City, Rep. Teody Haresco Jr. ng Aklan, Rep. Antonieta Eudela ng Zamboanga Sibugay, Rep Dean Asistio ng Caloocan City, Rep. Martin Romualdez ng Leyte, at Rep. Zaldy Co ng Ako Bicol Partylist.

Balato naman dyan!