Advertisers

Advertisers

“NAKAKATAKOT” NA ANG AMERIKA

0 4,108

Advertisers

MULING naghasik ng malaking takot ang ‘ Tadong Unidos sa buong mundo matapos atakihin sa ‘international waters’ ng ‘Carribean’ ang isang “lantsa” na galing sa Venezuela noong Setyembre 2.

Palusot ni Donald Trump, isa itong ‘drug boat’ na may mga lamang iligal na droga na iligal umanong ipapasok sa Amerika. “Kontrolado” raw kasi ng mga ‘Drug Lords’ ang Venezuela.

Hanggang ngayon, walang maipakitang ebidensiya ang mga Kano kung totoo nga bang ‘drug boat’ ang kanilang pinasabog na pumatay sa 11 nitong pasahero.

Sa ganang atin, ang krimen ay bahagi ng planong pag-atake ni Trump sa Venezuela upang mapalitan si President Nicolas Maduro– na dalawang beses tinangkang ikudeta ng CIA sa unang termino ni Trump.

Sa pagkaalam pa natin, hindi isang ‘Narco State’ ang Venezuela. Ang “meron” sa Venezuela ay “langis” — ‘the largest oil reserve in the world’ na wala sa kontrol ng mga Kano.

Ang “tanging kasalanan” ni President Maduro kay Trump? Ipinaglalaban niya ang soberenya ng Venezuela, bagay na hindi gusto ng Imperyalismong US.

Translation? Hindi Pilipinas o Japan o South Korea o Ukraine ang Venezuela na “yuyuko” na lang basta sinabi ni Uncle Sam.

Hindi masyadong napansin ng mga Pinoy ang insidente dahil nga okupado tayong lahat sa isinasagawang sarsuwela, ehek, imbestigasyon, sa matinding korapsyon sa ating mga ‘flood control projects.’

Okupado rin ang mundo sa makasaysayang ‘SCO Summit’ at ‘Victory Day Military Parade’ sa China laban sa Pasistang Japan noong World War 2.

Sa ginawa naman ng Kano, nakuha ni Trump ang atensyon ng lahat.

Paanong hindi agaw-eksena ang insidente samantalang muling nasaksihan ng mundo ang ugali sanggano ng mga Kano? Na para sa Amerika, wala itong batas na kinikilala at wala rin itong bansang inirerespeto.

“Nakakatakot” na talaga ang Amerika, hindi ba?