Advertisers

Advertisers

Enrile, Reyes, Napoles absuelto sa P172m graft cases

0 10

Advertisers

PINAWALANG-SALA ng Sandiganbayan Special Third Division sa 15 kaso ng ‘Graft’ si dating Senador ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, kanyang dating chief of staff Atty. Jessica “Gigi” Reyes, at negosyanteng Janet Lim-Napoles.

Kaugnay ito ng umano’y maling paggamit ng P172 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ni Enrile noong siya ay senador.

Sa desisyong pinangunahan ni Justice Ronald Moreno, sinabi ng korte na nabigong patunayan ng prosekusyon ang pagkakasala ng mga akusado “beyond reasonable doubt”.



Wala ring ipinataw na civil liability o multa sa mga pinawalang-sala, kabilang si Jose Antonio Evangelista II, dating deputy chief of staff ni Enrile.

Dahil dito, tinanggal narin ng korte ang lahat ng hold departure orders laban sa mga akusado.

Ang promulgasyon ay isinagawa nitong Biyernes, Oktubre 24, kungsaan dumalo online mula sa kanyang hospital bed si Enrile, sa online din si Napoles, habang personal na humarap sa korte ni Reyes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">