Advertisers

Advertisers

Criss Cross’ 3-0

0 7

Advertisers

PINANGALANAN si Adrian Villados bilang Player of the Week Lunes dahil sa kanyang malaking ambag sa 3-0 na panimulang talaan ng Criss Cross King Crunchers sa 2025 Spikers’ Turf Invitational Conference.

Nagrehistro siya ng 22 excellent sets sa kanilang 25-15, 23-25, 25-23, 25-14, victory laban sa PGJC-Navy noong Oktubre 27 sa FilOil EcoOil Arena.

Villados,na produkto ngArellano University, umiskor ng 20 excellent sets at four points sa kanilang 25-14, 25-15, 25-21 sweep kontra VNS Griffins sa Oktubre 31,at nagdelover ng 34 excellent sets para masakop ang nine-time champion Cignal, 25-23, 24-26, 25-22, 25-18, Nobyembre 2.

Pinagtagumpayan ni Villados ang kanyang mga kakampi na sina Jude Garcia, Jaron Requinton, at Noel Kampton para sa lingguhang karangalan na ibinigay ng Spikers’ Turf Press Corps para sa panahon mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2.

Kasama rin sa paligsahan sina Louie Ramirez ng Cignal, Josh Ybañez ng UST-Gameville, Mark Calado at Reymark Betco ng Savouge, at ang magkapatid na Rocky Motol at Barbie San Andres ng Alpha Insurance.

Hinahangad ng Criss Cross ang ika-4 na panalo ngayon Miyerkules laban sa Savouge sa Paco Arena.