Advertisers
NAGBAGO ang liderato sa Senado.
Bago na rin ang mga mamumuno sa mga commttee ng Mataas na Kapulungan partikular sa paghahatid ng serbisyo sa tao bukod sa mandatong gumawa ng batas na patas at imbestigasyon in aid of legislation.
Ang magandang balita ay retain ni topnotcher Senator Bong Go ang Senate Committee sa SPORTS at Health na tunay namang pinakinabangan ng masang mamamayang Pilipino.
Siya ang orihinal na nag-establisa ng MALASAKIT Center sa mga ospital upang kalingain at matulungan nang madalian ang mga mahihirap na pasyente sa mga pagamutan sa buong bansa kung kaya labis ang pasasalamat ng sambayanan kay Go sa kanyang markadong proyektong pangkalusugan ng tao.
Siya rin ang founding Senator ng National Academy in Sports( NAS) sa Clark City, Pampanga para sa mga atletang Pinoy para makapag- aral sa akademya habang doon na rin ang training at aktwal na kumpetisyon . Isinulong din ng dating varsity player sa Davao ang pagtaas pa ng insentibo para sa mga nakapaghahandog ng medalya para sa Pilipinas mula sa kanilang pakikibaka sa mga dambuhalang international sports competitions.
Si Sen. Go ay kabilang ngayon sa patriot 13 sa Senado ( majority) na pinamumunuan ng bagong Senate President Alan Peter Cayetano kaya isang welcome development kay SBG ang muling pamunuan ang Committee sa Health at Sports.
Dahil naman sa sobrang pamumulitika ng minorya sa Senado na nais gibain ang solid na trese sa pamamagitan ng dirty tricks ng mga mang- o ONSE, gagawin nila ang lahat para makabalik sa kapangyarihan ang 11 minorty para mapagtakpan ang mga mastermind sa pinakamalaking kurapsyon sa kasaysayan ng bansa at huwag mapaupo ang magiging Presidente sa tiyak na tutugis sa mga buwayang bundat habang nagdarahop ang bayan gawa ng mga hayop.
Iisa- isahin ang bayaning 13 para maagaw muli ang trono ng kapangyarihan paro iyan ay mahirap nang mangyayari dahil walang hudas sa trese.
Prente lang si SBG kahit gaano karumi ang laro ng kabilang panig. TOUCH HIM NOT.. GO lang sa serbisyo publiko at iwaksi ang mga kruk na pulitiko na perwisyo sa tao.
Go lng Sen. Bong Go para sa bayan… ABANGAN!
Lowcut: Laging mensahe ni Senator Bong Go na habang may kakayahang tumulong sa kapwa ay huwag itong ipagkait. Aniya ay minsan lang dadaan ang tao sa mundong ito kaya marapat lng na puro kabutihan ang itimo sa bayan at malasakit sa kapwa ay di dapat manghinawa. Pagmamalaki niya na laging bukas ang kanyang tanggapan para sa mahal niyang kababayan na. nagluklok sa kanya sa ituktok ng kapangyarihan. Taos din sa kanyang kalooban ang tumulong sa sektor ng sining at sports, malaki man o maliit na kaganapan na idinaraos sa mga lalawigan. Basta SPORTS Development o lehitimong kaganapan sa kultura at sining ,go si SBG. Hindi uso sa kanya ang NO na sagot kundi puro go, Go , GO!! Special shoutout kina Mdam Deah Ricacho, LP3, tsokaran Al Arenas at kay Ms Kyla..MABUHAY KAYO!
Belated birthday greetings kay Agila club president Kuya Ferdinand Agpoon , greetings from Kuya Barry Agpoon. Kuya Edwin Salve , Kuya Chito Dequit at Kuya UPPERCUT… PUGAY! Happy Fiesta diyan sa Penaranda town ng Nueva Ecija. Tiyak na nakulay at bongga ang kapistahan diyan sa lugar ng magagaling na musikero, sikat na orkestra at mahuhusay na banda diyan sa Penaranda- ang balwarte ng ating tsokaran sa Upper Bicutan na sina Mr. & Mrs Fernando at Mayet SALAZAR na parating umuuwi tuwing may okasyon sa kanilang bayan. Musikahan, sayawan, inuman, tsibugan, parada, bakbakan sa larangan ng palakasan, mga artista at balikbayan ay nagsisidatingan… kaya tayo na mamiyesta sa Penaranda!